- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Mga Pagpapabuti sa Parke/
- Mga Natapos na Proyekto sa Parke/
- Mga Pagkukumpuni sa Bandalismo sa Palaruan ni Sue Bierman/
Mga Pagkukumpuni sa Bandalismo sa Palaruan ni Sue Bierman
Natapos at Bukas sa Publiko noong Abril 6, 2023!
Kaligiran

Isang sunog sa Palaruan ni Sue BiermanSue Bierman Playground noong Oktubre 2021 ang nagdulot ng pinsala sa istrukturang panlaro ng parke. Pangunahing naapektuhan ng pinsala ang istrukturang bangka at mga bahagi ng ibabaw na pangkaligtasan. Ang pangangailangan para sa gawaing konstruksiyon ay nagbigay ng pagkakataon upang palitan ang gomang ibabaw na pangkaligtasan ng buong palaruan ng bagong damuhang ibabaw na pangkaligtasan.
Sa pagpaplano ng gawaing pagkukumpuni, isinali ng Libangan at ParkeRec and Park ang mga orihinal na arkitekto at napagpasyahan ang isang kapalit para sa istrukturang panlaro ng KOMPAN na idinisenyo mula sa mga puna ng mga miyembro ng komunidad.
Nasasabik kaming ibahagi na muling bumukas ang Palaruan ni Sue BiermanSue Bierman Playground noong Abril 2023 matapos ilagay ang isang magandang bagong istrukturang panlaro at ibabaw.

Bagong istrukturang panlaro at ibabaw sa Palaruan ni Sue BiermanSue Bierman Playground
Iskedyul ng Proyekto
Pagpaplano , 2021
Disenyo , 2022
Nagsimula ang konstruksiyon , 2022
Bukas sa Publiko , Abril 2023
Lumabas at Maglaro!
Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti ng parke sa inyong mga parke sa San Francisco! Upang manatiling may-alam at kasangkot, hinihikayat namin kayong mag-subscribe sa eNews ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga update tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto ng pagpapabuting kapital, mangyaring bisitahin ang seksyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Update sa Proyekto,” o pumili-pili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.
Maaari ninyo ring tuklasin ang mga oportunidad sa pagboboluntaryo ng Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan kami sa parke sa bawat sulok ng lungsod at mga oportunidad sa pagboboluntaryo na kasindami ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!