- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Mga Pagpapabuti sa Parke/
- Mga Natapos na Proyekto sa Parke/
- Liwasang McCoppin/
Liwasang McCoppin
Kaligiran
Ang Parke ng Liwasang McCoppinMcCoppin Square Park ay naglilingkod sa isa sa pinakamataong komunidad sa Lungsod. Nahahangganan ng Mga Abenidang 22nd at 24th, sa pagitan ng Mga Kalyeng Santiago at Taraval, ang parkeng may 8.29 akre ay napapaligiran ng halos puro mga tirahan para sa iisang pamilya at magagaang gusaling pangkomersyo.
Ang mga pamilya mula sa mga kalapit na lugar ang bumubuo sa karamihan ng mga gumagamit ng Liwasang McCoppinMcCoppin Square. Madalas makita ang mga bisitang nagtatamasa ng masaganang bukas na espasyo; namamasyal sa mga landas-lakaran na mayabong sa mga puno; naglalaro ng tenis; o naglalaro sa mga dausdusan, duyan, at bitinang bakal sa palaruan. Nag-aalok din ang parke ng isang larangan para sa putbol at beysbol.
Madalas tamasahin ng mga tagaroon sa Distrito ng SunsetSunset District ang tahimik at ligtas na espasyong panlibangan na ibinibigay ng Parke ng Liwasang McCoppinMcCoppin Square Park.
Saklaw ng Trabaho
Noong 2008, ipinahayag ng komunidad ang kanilang malasakit at pag-aalala para sa Liwasang McCoppinMcCoppin Square sa isang botohan na naglaan ng mahigit $5 milyon mula sa pondo ng Bono para sa Malinis at Ligtas na mga Parke ng KapitbahayanClean and Safe Neighborhood Parks Bond ng 2008 para sa renobasyon ng parke.

Ang aming mga layunin, na hinubog ng pananaw ng lokal na komunidad, ay panatilihin at pahusayin ang pagkakaiba-iba ng mga aktibidad na inaalok ng parke; pagandahin ang ginhawa, pakikisalamuha, at kaakit-akit na anyo; pataasin ang daloy ng mga naglalakad; at tiyakin ang kaligtasan ng parke. Taglay ang mga layuning ito, kabilang sa proyekto ang:
- Mga daanang madaling marating alinsunod sa Batas sa Kapansanan ng mga Amerikano ( ADA )
- Isang hardin ng pagninilay na may mga upuan
- Isang pinahusay na larangan ng beysbol na may bagong gradahan
- Isang bagong kalahating korte ng basketbol at muling pinabagong ibabaw ng korte ng tenis
- Isang bagong palaruan na malapit sa aklatan at may Palaruan ng mga Paslit gayundin ang mga lugar-laruan para sa mga batang nag-aaral
- Isang bagong gusali ng pampublikong palikuran
Kaya na ngayon ng Liwasang McCoppinMcCoppin Square na paglingkuran ang mga kapitbahay at bisita nito sa mga henerasyong darating.
Lumabas at Maglaro!
Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti ng parke sa inyong mga parke sa San Francisco! Upang manatiling may kaalaman at kalahok, hinihikayat namin kayong magpatala sa eBalita ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga balita tungkol sa lahat ng aming aktibong proyektong pangkapital para sa pagpapabuti, pakibisita ang bahaging Agarang Balita ng aming pahina sa web at magpatala sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Balita sa Proyekto,” o pumili-pili ng inyong mga pagpapatala ayon sa pangalan ng proyekto.
Maaari rin ninyong tuklasin ang mga pagkakataong magboluntaryo sa Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan kami sa parke sa bawat sulok ng lungsod at mga pagkakataong magboluntaryo na kasindami ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!