Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
  1. Mga Pagpapabuti sa Parke/
  2. Mga Natapos na Proyekto sa Parke/
  3. Parke ng Golden Gate - Mga Natapos na Pagpapabuti sa Parke/

Parke ng Golden Gate - Proyekto ng Parke ng Skate sa Waller Street

Natapos at Bukas sa Publiko noong Oktubre 2022!

Taong nagsasagawa ng trick sa skateboard sa isang elementong bloke

Saklaw ng Trabaho

Kasama sa proyekto ang muling pagpapatag ng ibabaw ng plasa, pati na ang pagkukumpuni at pagdaragdag ng mga elemento para sa skateboard, mga kagamitan sa lugar, at mga halaman.

Pondo

Pinondohan ang proyekto ng $130,000 mula sa Pondo para sa Oportunidad ng KomunidadCommunity Opportunity Fund ng Bono ng Parke ng 2012.

Maraming salamat sa mga botante ng San Francisco na labis na sumuporta sa pag-apruba ng Bono at sa DLX, sa Mga Kaibigan ng Kalye WallerFriends of Waller Street, at sa Samahan ng Iskeyt ng SFSF Skate Association.

Lumabas at Maglaro!

Salamat sa pagsuporta sa mga pagpapabuti sa inyong mga parke sa San Francisco! Upang manatiling may alam at nakikilahok, hinihikayat namin kayong mag-subscribe sa Elektronikong Balita ng Libangan at ParkeRec and Park . Kung nais ninyong makatanggap ng mga update tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto sa pagpapabuting pangkapital, pakibisita ang seksyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Update sa Proyekto,” o pumili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.

Maaari din ninyong tuklasin ang mga oportunidad sa pagboboluntaryo sa Libangan at ParkeRec and Park – May mga pangangailangan ang mga parke sa bawat sulok ng lungsod at may mga oportunidad sa pagboboluntaryo na kasing-iba-iba ng inyong mga interes, kasanayan, at kakayahan. Magsaya sa inyong mga parke, at lumabas at maglaro!