Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
1. Mga Pagpapabuti sa Parke/
2. Mga Aktibong Proyekto sa Parke/

Proyektong Renobasyon ng Plaza ng Kapayapaan ng Japantown

Kasaysayan

JPP- Konseptong Plano, 2023-0228 Bubukas sa bagong bintana
Ang Proyektong Renobasyon ng Plaza ng Kapayapaan ng JapantownJapantown Peace PlazaJapantown Peace Plaza (Plasa ng KapayapaanPeace Plaza) ay mahalaga sa komunidad ng mga Hapones-Amerikano, sa komunidad ng mga Asyano-Amerikano at Taga-Pulo ng Pasipiko. Sa loob ng mahigit 110 taon, sa mahigit 5 henerasyon, ang Bayan ng mga Hapones ng San Francisco ay isa sa huling tatlong natitirang bayan ng mga Hapones sa Estados Unidos. Ang bukas na espasyo ng Plasa ng KapayapaanPeace Plaza ay naging puso ng kultura ng Bayan ng mga Hapones at isang pangunahing patutunguhang lugar para sa mga pagdiriwang na pangkultura at mga selebrasyon ng komunidad sa Hilagang California. Tahanan ito ng mga organisasyon, institusyon, artista, negosyo, at gusaling mahalaga sa kultura ng komunidad.

Noong 2021, pansamantalang pinalitan ng Libangan at ParkeRec and Park ang pagsasa-hindi-tinatablan-ng-tubig sa loob ng mga siyusmikong dugtungan na tumatakbo sa silangan at kanlurang bahagi ng plasa. Bilang bahagi ng kasalukuyang proyekto, ang mga siyusmikong dugtungan na ito ay makakatanggap ng bagong pagsasa-hindi-tinatablan-ng-tubig upang matiyak ang matagumpay na selyo.

Saklaw ng Trabaho

Ang Planong Pananaw ng Plasa ng KapayapaanPeace Plaza, na may kalakip na bidyo, ay isang inspirasyon para sa kinabukasan ng sentral na pampublikong espasyo ng Bayan ng mga Hapones. Ang malawakang proseso ng pakikilahok ng komunidad ay nagbunga ng mapangaraping balangkas na nagbigay-gabay sa disenyo at sa hinaharap na konstruksiyon. Ang nirenobang plasa ay magkakaroon ng lahat ng bagong tampok: bagong sahig (sa ibabaw ng bagong pagsasa-hindi-tinatablan-ng-tubig), pananim, di-pormal na upuan, at pananatilihin ang lubhang ginagamit na sentral na lugar ng pagtitipon para sa mga pangkulturang okasyon. Upang matuto pa tungkol sa disenyo, pakitingnan ang aming presentasyon ng Pagsusuri ng Disenyong Pansibiko, Marso 20, 2023 (PDF) .

Mananatiling bukas ang Sentro ng JapantownJapantown Center sa buong panahon ng konstruksiyon. Mananatiling bukas sa publiko ang lahat ng pasukan. Mangyaring bumisita at mamili sa mga lokal na tindahan!

Pagpopondo

$25 milyon mula sa 2020 Bono para sa Kalusugan at Pagbangon ng SFSF Health and Recovery Bond ang unang inilaan para sa renobasyong ito at karagdagang $9 milyon sa mga gawad ang naidagdag sa pamamagitan ng matatag na pagtataguyod ng komunidad ng Bayan ng mga Hapones kasama ang RPD. Ang mga pinagkunan ng gawad ay $3 milyon mula sa Inisyatiba sa Pagpapaunlad ng EkonomiyaEconomic Development Initiative, Gawad sa Pagpopondo ng Proyektong PangkomunidadCommunity Project Funding Grant (sa pamamagitan ni Ispiker Emerita Nancy Pelosi) at $6 milyon mula sa Ahensiya ng Likas na Yaman ng CaliforniaCalifornia Natural Resources Agency (sa pamamagitan ni Dating Miyembro ng Asamblea na si Phil Ting).

Ang paggawad ng kontrata sa konstruksiyon para sa proyektong ito ay inaprubahan ng Komisyon ng Libangan at mga ParkeRecreation and Parks Commission noong Disyembre 21, 2023 ( PDF ). Ang paggawad ng kontrata sa konstruksiyon na ito ay nakakuha at sumusunod sa lahat ng pag-apruba ng regulasyon ng lungsod, estado, at pederal, kabilang ang alinmang partikular sa mga pinagkukunan ng pondo ng proyektong ito.

Tinatayang Iskedyul ng Proyekto

Pagpaplano , Tag-init 2018

Disenyo , Taglamig 2020

Iginawad ang kontrata sa konstruksiyon , Disyembre 21, 2023

Nagsisimula ang konstruksiyon , Tagsibol 2024

Bukas sa Publiko , Taglagas 2026

Mga Update sa Proyekto Buwanang mga Pampublikong Pulong, tuwing ikaapat na Martes, 5-6 n.h. Ang Pangkat ng Gawain ng Japantown (JTF), Komite ng Plasa ng KapayapaanPeace Plaza Committee ay nagdaraos ng buwanang mga pampublikong pulong. Mangyaring bisitahin ang pahina ng mga komite sa website ng Pangkat ng Gawain ng Japantown para sa adyenda, lokasyon (link sa zoom o personal), katitikan ng pulong, at anumang update: https://www.japantowntaskforce.org/peace-plaza-committee

Kung nais ninyong makatanggap ng mga update tungkol sa Proyektong Renobasyon ng Plaza ng Kapayapaan ng JapantownJapantown Peace PlazaJapantown Peace Plaza Renovation Project, mangyaring bisitahin ang seksiyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa " Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements: Plaza ng Kapayapaan ng JapantownJapantown Peace Plaza ." Upang makatanggap ng mga update tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto, mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Update sa Proyekto.”

Mga Update sa Proyekto

Mga Dokumento at Materyales

Mga Materyales ng KomisyonCommission Materials

Mga Materyales sa Pagkakaloob ng Gawad

Mga Materyales ng Pulong ng Komunidad

Karagdagang mga Dokumento ng Proyekto

Makipag-ugnayan sa Amin

J. Marien Coss

Tagapamahala ng Proyekto Email Telepono: 1-628-652-6647

Planong Pananaw ng Komunidad para sa Plaza ng Kapayapaan ng JapantownJapantown Peace PlazaJapantown Peace Plaza Community Vision (Agosto 2019) mula sa Playhou.se sa Vimeo .