- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Mga Pagpapabuti sa Parke/
- Mga Aktibong Proyekto sa Parke/
- Proyekto ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco/
Proyekto ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco
Saklaw ng Trabaho

Magtatayo ang proyektong ito ng kongkretong plataporma at barandilya sa Parke ng LincolnLincoln Park upang paglagyan ng mga likhang-sining sa hinaharap, gaya ng mga plake na nagbibigay-impormasyon at isang estatwang gumugunita sa Malaking Taggutom sa Irlanda (1845-1852). Ang iminumungkahing plataporma ay matatagpuan sa kahabaan ng El Camino Del Mar sa isang interseksiyon ng landas sa pagitan ng Daan ng Lehiyon ng Karangalan at Ika-32 Abenida na may napakagandang tanawin ng Tulay ng Golden Gate.
Itinuturing ang proyektong ito na Yugto 1 ng Proyekto ng Paggunita. Sa susunod na panahon, makikipag-ugnayan ang Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco sa Komisyon sa Sining ng San FranciscoSan Francisco Arts Commission upang kumuha ng isang alagad ng sining na magdidisenyo at gagawa ng likhang-sining sa Plasa ng PaggunitaMemorial Plaza.
Kaligiran
Noong 2019, nagpatibay ng isang resolusyon ang Lupon ng mga Superbisor ng San FranciscoSan Francisco Board of Supervisors bilang suporta sa isang permanenteng Monumento sa Malaking Taggutom sa San Francisco. Iniharap ang resolusyon ng Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco, isang organisasyong hindi pangkalakal na binuo upang gunitain ang mga biktima at ang mga nakaligtas sa “Malaking Gutom” (An Gorta Mor) na naganap sa Irlanda mula 1845-1852.
Noong Panahon ng Malaking Taggutom, mahigit isang milyong Irlandes ang namatay at milyon-milyon pa ang nangibang-bayan. Pag-uugnayin ng monumentong ito ang komunidad na Irlandes-Amerikano ng San Francisco at California sa kanilang pinagmulan bilang mga imigrante at kikilalanin ang mga ambag ng pinakaunang mga imigrante noong panahon ng Taggutom sa Estados Unidos, California, at San Francisco. Magsisilbi rin itong pasasalamat sa Estado ng California at sa Lungsod at Kondado ng San Francisco para sa pagtanggap at mga pagkakataong ibinigay sa mga Irlandes pagdating nila.
Pondo
Ang pondo para sa proyektong ito ay nagmumula sa isang iminumungkahing gawad mula sa Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $500,000, sa anyo ng salapi at mga gawad na hindi salapi para sa mga bayarin sa disenyo, konstruksiyon, at pamamahala ng proyekto.
Mga Katuwang
- Komite ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco
- Estudyo Banaa
Tinatayang Iskedyul ng Proyekto
Pagpaplano , 2024
Disenyo , Itatakda pa
Nagsisimula ang konstruksiyon , Itatakda pa
Bukas sa Publiko , Itatakda pa
Mga Update sa Proyekto Kung nais ninyong makatanggap ng mga update tungkol sa Proyekto ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco, pakibisita ang seksiyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa " Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements: Proyekto ng Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco ." Upang makatanggap ng mga update tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto, mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti ng Libangan at ParkeRec Park Improvements | Lahat ng Update sa Proyekto.”
Mga update sa proyekto
Proyekto ng Plasa ng Monumento sa Malaking Taggutom | Update sa proyekto, Nobyembre 2024
Noong Nobyembre 14, nagtipon ang mga residente ng San Francisco upang higit na malaman ang tungkol sa Proyekto ng Monumento sa Malaking TaggutomGreat Famine Memorial Project at ibahagi ang kanilang mga saloobin at pananaw sa makabuluhang inisyatibang ito. Ang Kagawaran ng Libangan at Parke ng San Francisco, kasama ang disenyo ng proyekto…
Magbasa pa sa sfrecpark.orgProyekto ng Plasa ng Monumento sa Malaking Taggutom | Pulong ng Komunidad + Pulong ng Pagsusuri ng Disenyong Pansibiko
Nasasabik kaming ibahagi ang dalawang paparating na pagkakataon sa Oktubre at Nobyembre upang higit na malaman ang tungkol sa Proyekto ng Plasa ng Monumento sa Malaking TaggutomGreat Famine Memorial Plaza Project, magtanong, at ibahagi ang inyong puna. Magtatayo ang proyektong ito ng kongkretong plataporma at barandilya upang paglagyan ng mga susunod na…
Magbasa pa sa sfrecpark.orgMga Dokumento at Materyales
Mga Materyales ng Komisyon
- Komisyon ng Libangan at mga ParkeRecreation and Parks Commission, ulat ng kawani, Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco – Konseptuwal na Disenyo at Pagpapangalan, Abril 17, 2025 (PDF)
- Komisyon ng Libangan at mga ParkeRecreation and Parks Commission, ulat ng kawani, Bantayog ng Taggutom sa Irlanda ng San Francisco – Pagtanggap at Paggastos ng Gawad, Pebrero 5, 2025 (PDF)
Mga Materyales ng Pulong ng Komunidad
Karagdagang mga Dokumento ng Proyekto