Lumaktaw sa pangunahing nilalaman

Mga Pagpapabuti sa Parke

Dibisyon ng Kapital at PagpaplanoCapital and Planning Division

Pinangangasiwaan ng Aming Dibisyon ng Kapital at PagpaplanoCapital and Planning Division ang isang malaking portfolyo ng mga pagsasaayos, pagpapaunlad, at pagkuha ng parke. Kasama ang mga kasapi ng komunidad at tagapagtaguyod ng parke, nagsisikap ang aming pangkat ng Kapital at Pagpaplano na lumikha at magsaayos ng mga parkeng tumutugon sa mga suliraning panlipunan at nagpapalakas sa katatagan ng komunidad. Nilikha ang Dibisyon ng Kapital at PagpaplanoCapital and Planning Division noong 2005 bilang tugon sa pagpasa ng Bono para sa mga Parke sa KapitbahayanNeighborhood Parks Bond noong 2000. Di-nagtagal matapos likhain ang Dibisyon, ipinatibay ng Alkalde at Lupon ng mga SuperbisorMayor and Board of Supervisors ang unang sampung-taong Planong Pangkapital ng Libangan at ParkeRec and Park upang tasahin ang hinaharap na pangangailangan ng Lungsod sa imprastruktura, ang puhunang kailangan upang matugunan ang mga ito, at ang plano ng pinansiya. Ang Planong Pangkapital ay ina-update at inilalabas na muli tuwing dalawang taon. Ginagamit ito upang unahin ang mahahalagang proyektong pangkapital na nakaaapekto sa kaligtasang pampubliko. Malaki ang diin nito sa pananagutan, kalinawan, at pagtupad sa pinakamataas na antas ng responsibilidad sa pananalapi.

Mga Pagbabalita sa Proyekto

Kung nais ninyong tumanggap ng pagbabalita tungkol sa lahat ng aming aktibong proyekto, mangyaring bisitahin ang seksyong Agarang Balita ng aming webpage at mag-subscribe sa “Mga Pagpapabuti sa Libangan at ParkeRec and Park | Lahat ng Pagbabalita sa Proyekto,” o pumili-pili ng inyong mga subscription ayon sa pangalan ng proyekto.

Tingnan ang lahat ng 1368 pagbabalita sa proyekto sa pahinang Mga Pagbabalita sa Proyekto.