- Maligayang pagdating sa isa pang sityo ng Mga Parke ng SF! :tada:/
- Tuklasin/
- Parke ng Golden Gate/
- Pagpunta sa Parke ng Golden Gate/
- Pasyalang JFK/
- Mga Tao ng Pasyalan/
Mga Tao ng Pasyalan
Mga Tao ng Pasyalan ay isang serye ng mga maikling kuwento, batay sa mga pakikipag-usap sa mga bisita ng parke na nakilala namin sa may walang-sasakyang Daang JFK sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park.

Sina Savanna at Roman
Nang matuklasan nila ang isang mesa ng ping pong sa Pasyalang JFK malapit sa Ikawalong AbenidaEighth Avenue, hindi na nagpabalik-balik sina Savanna at Roman sa pag-iisip kung susubukan nila ito. “Hindi kami madalas maglaro pero masaya ito,” sabi ni Savanna. “Napakaganda na napakadaling mapuntahan.” Ang magkasintahang ikakasal ay karaniwang tumatambay sa Lawa ng SpeckelsSpeckels Lake sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park, kaya ang makatagpo ng mga laro, upuan, sining, at iba pang masasayang gawain sa kanilang paglalakad tuwing tanghalian sa JFK ay talagang hindi inaasahan. Isa pa sa mga paborito nilang bahagi: ang mga umiikot na upuan sa malapit. “Napakaastig ng hugis ng mga upuan,” sabi ni Roman. “Kahanga-hanga ito. Magaling!”

Dustin
Regular na tumatakbo si Dustin sa Parke ng DoloresDolores Park dahil malapit ito sa kaniyang bahay, ngunit kapag may bakanteng oras siya, pumupunta siya sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park para mag-jogging. “Gusto ko na walang mga sasakyan dito,” sabi niya tungkol sa Pasyalang JFK. “At talagang gustung-gusto ko ang lahat ng pagpapabuti tulad ng mga mural at sining.” At kapag hindi siya nagpapalakas ng katawan, nananatiling isa sa mga paborito niyang lugar sa lungsod ang Parke ng Golden GateGolden Gate Park. “Kapag pakiramdam ko ay payapa ako, pupunta ako sa Kakahuyang Pang-alaala sa AIDSAIDS Memorial Grove,” sabi niya. “At kapag gusto ko ng sining, bibisitahin ko ang Museo ng de Young. Pero mahal ko rin ang Botanikal na HardinBotanical Garden at ang Hapones na Hardin ng TsaaJapanese Tea Garden!”

John
Matatagpuan mo si John sa Pasyalang JFK ng Parke ng Golden GateGolden Gate Park araw-araw na nagbibisikleta, nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, o marahil, tumutugtog ng piyano. “Nasa Panlabas na Richmond ako, kaya ito ang pangunahin kong daanan mula silangan patungong kanluran,” sabi ni John. “Nandito ako araw-araw.” Ang propesyonal na musikero na madalas maglakbay para sa trabaho ay nagsabing nagulat siya nang masaya nang una niyang makita ang mga masasayang bahaging bagong dagdag sa Pasyalang JFK, tulad ng mga mural sa lupa, mga instalasyon ng sining, at mga piyano. “Napaiyak ako sa mural na Nasa Katutubong Lupain Tayo,” sabi niya. “Napakagandang lugar ang naging ito.” Dagdag pa niya, “Tuwing may mga kaibigan akong dumadalaw mula sa iba’t ibang lugar, sinasabi ko sa kanilang pumunta rito. Dito namin ginugugol ang araw at gustung-gusto ito ng mga tao.”

Claudio
Si Claudio ay taga-Paris, Pransiya, at tuwing dumadalaw siya sa pamilya niya sa San Francisco, sapilitan ang paghinto sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park. “Sa paningin, napakagandang parke nito,” sabi niya. Bagaman si Claudio ay hindi banyaga sa lungsod, ito ang unang pagkakataong nararanasan niya ang Pasyalang JFK sa walang-sasakyang kalagayan nito. “Nakikita ko ang pagkakaiba,” sabi niya, ihinahambing ito sa mga araw bago ang Pasyalan. “Kasiyahan ito sa mga mata. Gusto ko ang pagkakaayos. Puwede kang maglakad, puwede kang mag-jogging, nakikita mong may nagbibisikleta, may nag-iiskeyt, may tumutugtog ng piyano doon,” sabi ni Claudio. “Napakapayapang lugar!”

Kristina
Nagbisikleta si Kristina nang mahigit 30 minuto mula sa silangang bahagi ng lungsod para bisitahin ang Parke ng Golden GateGolden Gate Park. Ang hindi niya inaasahang matagpuan ay isang piyano sa gitna ng Pasyalang JFK. “Walang katulad ang magkaroon ng piyano sa gitna ng parke,” sabi niya.
Si Kristina, na nagtuturo ng musika sa mga bata, ay matibay ang paniniwala sa musika bilang terapiya. “Napakanatural ng tunog nito, at pinapasaya rin nito ang mga puno!” sabi niya.
Isa pang katangian ni Kristina: kahit tumutugtog siya na parang propesyonal, nananatili pa rin siyang mapagkumbaba. “Nakakagulat sa akin na basta-basta lang akong tumutugtog sa piyano, tumingala ako, at may mga taong nakikinig sa akin,” tawa niya.

Sina Crissie, Shae at Asiana
Ang Multuhan ng Halloween sa JFK noong Oktubre 28 ay isang tagumpay, na naghatid ng libu-libong tao sa Pasyalang JFK, na nakasuot ng mga kostyum mula sa kakatwa, hanggang nakakatakot, hanggang sa talagang kaibig-ibig! Halimbawa na lang si Crissie (kaliwa), ang anak niyang si Shae (gitna), at ang kapatid niyang si Asiana (kanan). Nagkaroon ng nakakapanabik na oras ang tatlo sa malaking panlabas na salu-salo.
“Gustung-gusto namin ito!” sabi ni Crissie, isang residente ng Distrito ng RichmondRichmond District. “Kapitbahay kami ng parke, at perpektong lugar lang ito para magtipon-tipon ang mga pamilya,” sabi niya.
Kapag hindi sila nakasuot ng kostyum, nasisiyahan sina Crissie at ang kaniyang pamilya na pumunta sa parke para manatiling aktibo, kung saan ang mga isport tulad ng tennis, pickleball, at volleyball ang nangunguna sa kanilang mga pinipili.
Isa pang paboritong libangan ng pamilya: ang magpahinga. “Ang paglalakad sa paligid ng Lawa ng StowStow Lake ay isa sa mga paborito naming gawin,” sabi niya.

Sina Clara at Lilah
Dahil hindi sila nagpapalampas ng salu-salo sa Halloween, ang 10-taong-gulang na magkaibigang sina Clara at Lilah ay dumayo mula Oakland para sa Multuhan ng Halloween noong nakaraang linggo—at hindi na sana higit pang nasiyahan ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa malaking kasiyahang naganap sa Pasyalang JFK. Sa buong gabi, nakapagpuno ng kendi ang mga batang babae at nasubukan ang mga sakayan sa karnabal, na lubos na sinamantala ang walang-sasakyang espasyo, na sang-ayon si Lilah ay “talagang astig.” Ngunit bukod sa kendi at mga sakayan, ang tunay na tampok ng gabi ay ang masilayan ang lahat ng masasayang kostyum.
“Ang kostyum na Bruno ang paborito ko,” sabi ni Clara, tinutukoy ang karakter mula sa paborito niyang pelikula ng Disney, ang Encanto. “At mahal ko ang mga karton na pigura ng Encanto sa labirinto (ng dayami)!”

Mini
Matapos ang 30-taong pahinga mula sa roller skating, nagpasya kamakailan si Mini na bumalik sa dating gawi, at nagsanay sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park.
“Sa nakaraang ilang buwan, naghahanap ako ng mga lugar na mapag-iskeytan at talagang mahirap ito. Kamangha-mangha ang Skatin’ Place sa parke pero medyo nakakatakot ito para sa akin bilang baguhan,” sabi niya. “Ang hamon ay ang makahanap ng makinis na lugar na mapag-iskeytan sa lungsod.”
Ang paboritong pagsasanayan ni Mini sa ngayon ay ang Pasyalang JFK, sa ibabaw ng mga bagong mural sa lupa at makukulay na bagong pasukan, na nagbibigay-daan sa kaniyang dumausdos nang walang kahirap-hirap.
“Gustung-gusto ko talaga ang mga ito,” sabi niya. “Namamangha ako at talagang nasasabik. Napakalaking hindi inaasahang sorpresa nito!”

Sina Max, Ben at Ian
Kung nasisiyahan ka sa live na musika tuwing katapusan ng linggo sa Pasyalang JFK, maaaring nakita mo na ang magkakapatid na ito na nagpapakita ng kanilang kakayahan sa musika. Sina Max, 7, Ben, 9, at Ian, 4, ay tumutugtog sa pamamagitan ng programa sa pagbubusking ng Libangan at ParkeRec and Park, na nagbibigay-daan sa mga musikero na makakuha ng libreng permiso. Kapwa sina Ben at Max ay unang natutong tumugtog ng gitara noong pandemya at tumutugtog araw-araw mula noon. Nang tanungin kung kinakabahan ba siyang tumugtog sa publiko, sinabi ni Max, “Hindi, nakatugtog na ako sa istudyo dati.” Ang bunsong kapatid na si Ian ay hindi pa nabibihasa sa kaniyang talento sa musika ngunit, kapag sapat na ang edad niya, sabi ni Ian ay maaaring ibang landas ang tahakin niya at matutong tumugtog ng biyolin. Kahit paano nananatili siya sa pamilya ng mga kuwerdas!

Sina Paul, Sophia at Pepper
Ang pagiging matiyaga ang susi sa pamilyang ito: ang asong si Pepper, ang amang si Paul, at ang anak na si Sophia. “Nasa parke kami kahit minsan sa isang araw, kung minsan dalawang beses, dahil kailangan naming ipasyal ang aming aso,” sabi ni Paul. “Ginagamit namin ang mga palaruan at mas madalas na rin kaming pumupunta sa Liwasan ng Musika, dahil may musika tuwing Miyerkules, Biyernes, at katapusan ng linggo. Gustung-gusto lang namin ito.” At mas gustung-gusto pa nila ito mula nang itayo ang lahat ng makukulay na instalasyon at magagarang kagamitan sa Pasyalang JFK, na lumikha ng bagong tambayan para sa pamilya.
“Kamangha-mangha ito. Ganap nitong binago ang parke,” sabi niya. Susunod sa kalendaryo ng pamilya: ang Multuhan ng Halloween, na magaganap sa Pasyalan sa Biyernes, Okt. 28. “Naku, tiyak na naroon kami,” sabi ni Paul.

Si Drew at ang anak niyang si Normani
Maaaring 7 buwang gulang pa lamang si Normani, ngunit halatang-halata na ang paborito niyang parke ay ang Parke ng Golden GateGolden Gate Park, ayon sa tatay niyang si Drew. Sabi niya, halos araw-araw silang nasa Pasyalang JFK.
“Lumalaki talaga siya sa mga parke. Dahil nakatira kami malapit sa napakarami, palagi kaming naroon. Ang paborito niya ay malamang ang Golden Gate,” sabi ni Drew tungkol sa bata. “Gusto niya kapag pinapaharap ko palabas ang kaniyang stroller para makita niya ang lahat. Sa totoo lang, gustung-gusto niya kapag dumaraan kami sa mga korte ng tennis, pinapanood ang mga taong naglalaro ng tennis at pinapanood ang pagtalbog ng bola.”
Dagdag pa niya, “Bago naging walang-sasakyan, kaaya-aya ang JFK, pero hindi ito ganito. Ngayon, napakaraming bata ang nakikita ko, mga taong may stroller, at isa lang itong bagay na pinahahalagahan kong mayroon at hindi ko maisip na wala ang Pasyalang JFK.”

Claire
Halos bakuran na ni Claire ang Parke ng Golden GateGolden Gate Park, dahil ilang bloke lamang ang layo ng tinitirhan niya kasama ang anak niyang si Calvin at ang kaniyang asawa. Mula sa malalaking kaganapan tulad ng Piyanong Bulaklak at Hardly Strictly Bluegrass , hanggang sa pagbibisikleta sa Pasyalang JFK, halos araw-araw nasa parke sina Claire at ang kaniyang pamilya. “Talagang updated kami sa mga nangyayari sa parke, kaya halos lahat ng kaganapan ay dinadaluhan namin,” sabi niya. “Tumitingin kami online kada linggo para makita kung ano ang puwedeng gawin.”
At salamat sa mga pansamantalang instalasyon ng sining na inilalagay sa Pasyalang JFK, mas madalas pa ngayon sa parke sina Claire at ang kaniyang pamilya. Si Calvin, na malapit nang mag-2 taong gulang, ay tila humahanga sa mapaglarong mga ulo ng Doggie Diner. “Gustung-gusto namin ang lahat ng bagong likhang-sining, kaya medyo dahilan na ito para maglakad nang mas madalas sa JFK,” sabi ni Claire.

Bill
May natatanging lugar sa puso ni Bill ang Parke ng Golden GateGolden Gate Park. Sa nakalipas na 15 taon, naging tagapagsanay siya sa cross country at track and field sa isang kalapit na mataas na paaralan at ang parke ang naging tanawin ng lahat ng pagsasanay at karera ng mga koponan. “Pumupunta kami sa parke para magsanay araw-araw at may iba’t ibang takbuhing ginagawa ang mga estudyante ko sa parke,” sabi niya. “Maaaring mahabang takbo, maaaring maikling takbo, o gagawa kami ng ehersisyo sa bilis. Para sa mga ehersisyo sa bilis, karaniwang pumupunta kami sa Istadyum ng Kezar. At mayroon din kaming mga karera sa Parang ng LindleyLindley Meadow at sa Mga Larangan ng PoloPolo Fields.”
Ayon kay Bill, ang paboritong pagsasanayan ng mga estudyante ay ang Pasyalang JFK. “Malaking tulong talaga na walang-sasakyan ito,” sabi niya. “Kapaki-pakinabang ito sa amin at nakakatuwang makita ang mga taong naglalakad-lakad at nagsasaya. Gustung-gusto ito ng mga estudyante at mas madali ito para sa kanila. Masaya ako na mayroon kaming ganitong espasyo!”

Ruth
Nagtrabaho si Ruth bilang nars nang mahigit 30 taon. Kahit na natatagpuan niyang kapaki-pakinabang ang kaniyang karera, kung minsan gusto niyang lumisan sandali para sa mabilis na paglalakad sa Pasyalang JFK upang linawin ang kaniyang isip. “Pumupunta ako rito tuwing pahinga ko para maglakad nang kaunti, o uupo lang ako at panonoorin ang mga ibon o ang mga bulaklak. Napakaganda ng parke,” sabi niya. “Wala nang mga sasakyan ngayon, kaya mabuti ito. Mas ligtas nang maglakad o magbisikleta ngayon. Hindi ako marunong magbisikleta pero gusto ko ng scooter. Balang-araw,” tawa niya.
Nakagulong man o naglalakad, isang bagay ang tiyak: nakakapagpabago ng kalooban ang pagiging nasa labas. “Napakastresful ng aming mga trabaho. Mabuti na kahit 15 minuto o 20 minutong paglalakad lang. Babalik ka sa trabaho at parang nakapagpahinga ka at may mas maraming lakas para sa natitirang bahagi ng araw,” sabi ni Ruth.

Jean-Michel
Ang bantog na Parisyanong artistang si Jean-Michel Othoniel ay dumaan sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park noong nakaraang linggo para sa isang seremonya ng paghahandog sa kaniyang eskulturang La Rose des Vents—isang permanente nang bahagi sa labas mismo ng Konserbatoryo ng mga Bulaklak ng SF at napakalinaw na makikita mula sa Pasyalang JFK. Si Othoniel, na may permanenteng komisyon sa makasaysayang mga hardin ng Palasyo ng Versailles, ay nabigyang-inspirasyon na likhain ang La Rose des Vents sa isang pagbisita sa Konserbatoryo, maraming taon na ang nakalipas. “Gusto kong gawin ang piyesang ito na parang rosas, para magdala ng liwanag sa lugar na ito,” sabi niya. “Napaka-mapag-asang gawa ito, at kapag hinipo ito ng araw, makikita mong napakarangya nito tulad ng arkitektura mismo.” Dagdag ni Othoniel, ang walang-sasakyang JFK ay lumikha ng mas “masayang” kapaligiran. “Sa Paris, napakaraming sasakyan namin. Minsan sa isang linggo, hihintuin nila ang trapiko, pero hindi ito buong linggo.”

Si Sharaya, ang tagapagpaganap na direktor ng Distritong Pangkultura ng mga Katutubong Amerikano ng SFAmerican Indian Cultural District SF, ay sinisikap na maglakad sa Pasyalang JFK nang kasingdalas ng kaya niya dahil nakatira siya malapit sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park. Ngayon, gayunpaman, lumabas siya para tumulong sa isang mural sa kalye na pinagtutulungan ng kaniyang organisasyon na ilalagay sa Daang JFK, malapit lamang sa Hardin Botaniko ng San FranciscoSan Francisco Botanical Garden .
Ang mural, na pinamagatang “Nasa Katutubong Lupain Tayo” ng artistang si Rachel Znerold, ay bahagi ng Pintahan ang Pasyalan, kung saan ilang mural ang ipipinta sa JFK sa mga darating na linggo. “Gusto talaga naming gumawa ng isang bagay na nagbibigay-diin sa lupain ng Ramaytush Ohlone,” sabi niya. “Hindi lang ito tungkol sa katutubong lupain, tungkol din ito sa pagpaparangal sa mga hayop na naririto. May mga usapan kami tungkol sa parke at pagiging madaling mapuntahan, ngunit napakakaunting lugar sa San Francisco ang hindi pa nadedebelop kung saan napupunta ang mga koyote, kung saan napupunta ang mga lawin.” Dagdag pa niya, “May sama-samang pananagutan tayo bilang mga tao sa mga halamang ito, sa mga hayop na ito, sa pagprotekta sa mga parke, at sa pagprotekta sa mga lugar na ginagamit ng mga tao araw-araw.”

Mga Tagapangalaga ng Parke na sina Fung at TottenPark Rangers Fung and Totten
Maaaring makita mo ang Tagapangalaga ng Parke na si FungPark Ranger Fung (kaliwa) o ang Tagapangalaga ng Parke na si TottenPark Ranger Totten (kanan) na umiikot sa Pasyalang JFK sakay ng kanilang mga elektrikong bisikleta, tinitiyak na ligtas ang lahat. “Sa kalakhan, medyo kusang naaayos ito rito. Iginagalang ng mga tao ang mga patakaran. Kapag nakakita sila ng paparating na bisikleta, umiiwas sila o kung minsan kapag may grupo ng matatandang tumatawid, hihinto ang mga tao,” sabi ni Fung. “Ngayong walang-sasakyan na, marami itong nagbago.”
Ngunit, bagaman ang pagbibisikleta sa Daang JFK ay isa sa mas masasayang bahagi ng kanilang trabaho, kapaki-pakinabang din ang mga bisikleta sa paglalakbay sa mga landas na lupa at mga daanang-lakad sa kaloob-looban ng parke. “Kung minsan, may mga isyu sa parke na nasa loob ng napakasisikip na landas at hindi mo kayang dalhin doon kahit ang ATV. Parang daanang-lakad lang ito ng mga tao, kaya ang pagkakaroon ng bisikleta ay talagang tumutulong sa akin na mas mahusay na gampanan ang trabaho ko,” sabi ni Fung.

Esteban
Ang residente ng Lambak ng ColeCole Valley na si Esteban ay regular sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park. Karaniwan, nag-iiskeyt siya kasama ang mga kaibigan sa Parke ng Skate sa Waller StreetWaller Street Skate Park, ngunit dahil kasalukuyan itong isinasaayos, misyon niya ngayong makahanap ng iba pang astig na lugar sa parke. “Nagbigay ito sa akin ng mga pagkakataong tuklasin ang ibang bahagi ng parke, mga lugar na karaniwan ay hindi ko iniikutan sakay ng aking skateboard,” sabi niya. “Kung minsan, sinusubukan kong makahanap ng lugar para gumawa ng mga trick, pero madalas natatagpuan ko na lang ang sarili kong nasisiyahan sa luntiang espasyo, sa mga hardin ng bulaklak. Ang hardin ng dahlia ang bago kong paboritong puntahan para magpahinga mula sa araw.”
Bagaman hindi parke ng skate ang Pasyalang JFK, sabi ni Esteban na ang payapa—ngunit kung minsan abala—na espasyong pangkomunidad na kinahinatnan nito ay nagpapaganda rito bilang lugar para sa baguhang iskeyter. “Marami sa mga kaibigan kong natututong mag-skateboard, pumupunta kami sa espasyong ito para makahanap sila ng tapakan, at magkaroon ng buong patag at bukas na espasyong pagsanayan. Walang-sasakyan ito, kaya malaking bentahe iyon,” sabi niya.

Cody
Ang pagiging aktibo ay prayoridad para kay Cody, 80, na pumupunta sa Pasyalang JFK nang ilang beses sa isang linggo para magbisikleta. Dahil naninirahan sa San Francisco mula pa noong 1967, natatandaan ni Cody ang mga araw na ang walang-sasakyang Daang JFK ay tuwing Linggo lamang. Ngayong pitong araw na ito sa isang linggo, sabi niya, nagbago ang buong tanawin ng Parke ng Golden GateGolden Gate Park. “Mas kaaya-ayang magbisikleta nang hindi kailangang pagtuunan ng pansin ang mga sasakyan at malinaw na mas ligtas ito. Nakakatuwa rin itong makita tuwing katapusan ng linggo kapag mas maraming taong nasa labas. Maganda ang pakiramdam ng pagkakomunidad,” sabi niya. “Tiyak na binago nito ang kapaligiran at pagiging magagamit para sa mga taong hindi nagmamaneho. Nagbibigay-daan ito para mas maramdamang parke nga ito.”
Dahil hindi kailanman nahihiya sa pagmamahal niya sa San Francisco, madalas mong makikita si Cody na nagbibisikleta suot ang tatak niyang kamiseta ng Mga Siklista ng San Francisco—isang pagpupugay sa makasaysayang klub na minsang naghari sa lokal na eksena ng pagbibisikleta.

Tomi
Si Tomi, isang mahilig sa sayaw, ay pumupunta sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park nang kahit dalawang beses sa isang linggo. Nagbibisikleta siya sa Pasyalan kasama ang kaniyang tinedyer na anak na babae, o nagtatanghal siya ng mga personal na piyesa ng sayaw sa labas sa buong parke. “Hindi naman talaga naaabala ng mga sasakyan ang pagsasayaw ko, pero sa palagay ko napakaganda ng paggawa ng walang-sasakyang mga kalye,” sabi ni Tomi.
Siya at ang kaniyang anak ay nagpapadyak pababa sa JFK patungo sa Libis ng Hellman, kung saan sumasali sila sa regular na pagtitipon ng mga mananayaw. Kahit na tungkol sa paggalaw ang lahat kay Tomi, ngayon ay pinagpapahinga niya ang kaniyang mga paa sa isang mas tahimik na bahagi ng Pasyalang JFK, malapit lamang sa Hardin ng mga RosasRose Garden—nasisiyahan sa natural na kapaligiran at malamig na hamog habang pinag-iisipan ang susunod niyang piyesa ng sayaw. “Napakasarap talagang umupo lang dito at walang mga sasakyang dumaraan,” sabi niya.

Sina Alex at Anna
Ang makasabay kina Alex at Anna—kapwa masugid na manlalaro ng pickleball at siklista—ay maaaring maging hamon. Ngunit paminsan-minsan gusto ng mag-asawang maglakad sa Pasyalang JFK, na paminsan-minsang dumadaan sa Konserbatoryo ng mga Bulaklak para amuyin ang mga dahlia. Ang magkasintahan ay lumipat sa San Francisco mahigit isang taon na ang nakalipas mula sa Philadelphia, at hindi na lumingon mula noon. “Gusto namin ng pagbabago ng tanawin,” sabi ni Anna. “Naglakbay kami noong pandemya at nakapunta sa maraming pambansang parke at nakapaglabas. At naisip namin, ‘Bakit hindi tayo tumira sa isang lugar kung saan puwede tayong nasa labas at gawin ang lahat ng ganitong bagay sa lahat ng oras.’”
Kahit na likas na mahilig sa labas sina Anna at Alex, hinihikayat sila ng Pasyalang JFK na lumabas nang mas madalas. “Napakainspirasyon na makitang ginagawa ng mga tao ang kanilang gusto rito; mga siklista, mga rollerblader, mga taong naglalaro ng volleyball. Talagang kaaya-aya ito, at pakiramdam ko iyon ang nagtulak sa amin na lumabas araw-araw,” sabi ni Anna.
Susunod sa listahan nilang gagawin: mag-skateboard sa Pasyalan at umikot sa Skatin’ Place!

Billy
Si Billy ay naninirahan malapit sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park mula pa noong sikodelikong dekada 1960. Sa kaniyang panahon, nasaksihan niyang tumugtog sa parke ang mga iconong tulad nina Janis Joplin at The Doors. Tungkol kay Joplin, sabi niya, “Sa pagdinig ko sa tunog ng boses niya, nangingilabot talaga ako, alam mo ba ang ibig kong sabihin? Kakaiba talaga siya. Siya ang paborito ko magpakailanman.”
Matapos masaksihan ang pag-unlad ng Kalye Haight at Parke ng Golden GateHaight Street and Golden Gate Park sa paglipas ng mga dekada, dumadaing siya, “Hindi na ito katulad ng dati.” Ngunit hindi tutol si Billy sa mga kamakailang pagbabagong walang sasakyan, dahil ngayon ay maluwag na siyang makapaglilibot sa Pasyalan habang nakikinig ng musikang blues sa kaniyang speaker.

Sina Nadine at Kelsey
Hindi malabong sabihin na sina Nadine (kanan) at ang kaniyang matalik na kaibigang si Kelsey (kaliwa)—kapwa cheerleader sa Mataas na Paaralang Washington—ay natutuwang magsanay ng kanilang mga galaw sa Pasyalan. “Gustung-gusto ko ito dahil talagang bukas na espasyo ito at halos kahit ano ay puwede mong gawin nang hindi kailangang mag-alala kung may dumarating na sasakyan o wala. Malaya ka lang!” sabi ni Kelsey.
Bukod sa pag-cheer, natutuwa rin ang magkabestng ito sa parke sa iba pang paraan: pag-roller-skating, pagpipiknik, mga pista opisyal, mga handaan sa kaarawan—kung ano-ano pa.

Alfonzo
Kabilang sa libangan ni Alfonzo ang mga sasakyan—maliliit na sasakyan sa mas tiyak na sabi. Pumupunta siya sa Pasyalan tuwing wala siyang pasok upang matugunan ang kaniyang pananabik sa bilis gamit ang kaniyang mga sasakyang kontrolado ng remote.
Mabibilis ang mga munting makina, ngunit lagi siyang nagbabantay sa mga siklista at naglalakad. “Halos kahit ano ay kayang iwasan ng mga bagay na ito,” sabi ni Alfonzo.
At bagaman puro sasakyan ang pinagkakaabalahan niya, gusto rin niya ang katahimikan ng Pasyalan. “Pumupunta kami tuwing may pagkakataon. Kumalma nang husto ang JFK at nagbibigay-daan ito sa mas maraming tao na makita ang mga nagaganap.”

Sina Nicky at Joy
Kung tatanungin mo si Nicky (itaas), ang Konserbatoryo ng mga Bulaklak ng San Francisco ang pinakamagandang lugar sa Parke ng Golden GateGolden Gate Park. Ngunit ngayong araw ay pinili niyang samahan si Joy (ibaba) at subukan ang kaniyang de-kuryenteng skateboard sa Pasyalang JFK.
“Ang sarap nito dahil ngayon ay malaya na naming magagawa ito. Hindi ako makakaramdam ng kaligtasan sa paggawa nito kung nandito pa ang mga sasakyan,” sabi ni Nicky.
“Ito ang lugar na pinagsasanayan namin,” sabi ni Joy. “Mas ligtas ang pakiramdam ko sa pagsakay dito kaysa sa mga kalye.”
Ang board, na kinokontrol ng isang maliit na kagamitang hawak sa kamay, ay kayang umabot sa bilis na 30 mph. Sa ngayon, gayunman, nag-iingat pa ang dalawa.
“Ito ang kauna-unahang pagkakataon ko,” sabi ni Nicky—isang masugid na snowboarder. “Natatakot lang ako sa semento. Kung mahulog ako sa niyebe, ayos lang dahil napakalambot nito. Kaya, sinisikap kong huwag mahulog.”

Arnie
Nasaksihan ng 100-taong-gulang na si Arnie ang ilang malalaking pagbabago sa San Francisco simula nang unang lumipat siya sa lungsod noong 1957. Isang lugar na patuloy na umuunlad tungo sa mas mabuti ay ang Parke ng Golden GateGolden Gate Park, aniya. Ang Pasyalang JFK ay 3 minutong lakad mula sa kaniyang pangalawang tahanan–ang Klub ng Boling sa Damuhan ng San Francisco. Nagpupunta siya rito sa nakalipas na 32 taon.
“Isang araw ay pumunta ako para subukan ito at nagustuhan ko, at simula noon ay hindi na ako natigil,” sabi niya. “Nasisiyahan ako sa sariwang hangin, at sa lahat ng mabubuting taong nasa paligid. Nasisiyahan talaga ako sa lahat ng bagay tungkol dito. Isa itong tunay na komunidad… at ito ang halos pinakamurang bagay na mahahanap mo kumpara sa ibang isport.”
At kung nagtataka ka kung ano ang lihim ni Arnie sa mahabang buhay, simple lang ito: aktibidad sa labas!
“Noong mga 90 taong gulang ako, naisip ko, ‘Hihimatayin ako at manlalanta sa loob ng ilang taon. Ano pang saysay ng pagpapatuloy?’ Ngunit pagkatapos, nagpatuloy lang ako at ngayon ay 100 taong gulang na ako.”
Sa kaniyang pinakahuling kaarawan, ipinahayag ng Lupon ng mga Superbisor ng San FranciscoSan Francisco Board of Supervisors ang Hulyo 26, 2022, bilang Araw ni Arnie Barros.