Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
  1. Tuklasin/
  2. Mga Sakahan at Hardin/

Sakahang Alemany

Address

700 Alemany Boulevard San Francisco, CA 94110

Saladang bahaghari na gawa sa mga gulay mula sa sakahan Pagkaing inani mula sa Sakahan ng Alemany na nakabalot para sa pamamahagi
larawan ng mga puting bulaklak ng mansanilya at yerba mansa Mga katutubong halaman na handa nang itanim

Ang Sakahang Alemany sa Kumplex ng St. Mary’s ay isang 3.5-akreng lugar, matatagpuan sa Alemany Boulevard malapit sa Ellsworth Street. Ang sakahang ito para sa seguridad sa pagkain ay pinamamahalaan sa ilalim ng Programa ng mga Hardin ng KomunidadCommunity Gardens Program ng Kagawaran ng Libangan at ParkeRecreation and Park Department. Ang Sakahang Alemany ay isa sa mga pinakasikat na lugar ng KLP para magboluntaryo at kinilala ito sa mga tagumpay nito sa pagsusulong ng agrikulturang pang-lunsod sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap kung saan ang lahat ng boluntaryo ay magkakasamang nagtatanim ng pagkain at mga halaman, upang ibahagi sa isa’t isa at sa kanilang mga kapitbahay. Bukod sa pagtulong na matugunan ang mahahalagang pangangailangan sa seguridad sa pagkain ng mga miyembro ng ating komunidad, nagbibigay ang lugar ng malalim na oportunidad na pang-edukasyon sa ekolohikal na agrikultura, pag-aalaga ng bubuyog, at paghahalamanan para sa mga polinador at tirahan ng hayop, para sa mga kabataan at nasa gulang na mag-aaral.

Mga Kaibigan ng Sakahang Alemany (MKSA)

Pinapatakbo ng MKSA ang mga gawaing pang-agrikultura sa lugar. Sa pamamahala sa pinakamalaki at pinakamabungang sakahan sa San Francisco, inaalok namin sa lahat ang pagkakataong matutuhan kung saan nanggagaling ang kanilang pagkain, tumulong, at makapag-uwi ng sariwang ani nang libre! Halika at makipagputik sa amin!

Ang pangkalahatang mga araw ng pagboboluntaryo ay tuwing hapon ng Lunes at Sabado. Kung ikaw ay indibidwal at nais mag-sign up upang sumali sa isang regular na araw ng trabaho, bisitahin ang aming website, Mga Kaibigan ng Sakahang Alemany . Kung nais mong mag-ayos ng araw ng trabaho para sa isang grupo o korporasyon, bisitahin ang https://alemanyfarm.org/get-involved/corporate-group-visits/

Pangkat ng mga Katutubong Halaman ng AlemanyAlemany Natives Plant Group

Ang mga layunin ng pangkat ng Mga Katutubong Halaman ng Alemany ay palawakin ang mga sonang pinagpapanumbalikan ng katutubong tirahan sa loob ng Sakahan at turuan ang komunidad kung paano magagamit ang mga lokal na katutubong halaman upang makatulong sa pagtatanim ng pagkain, sa pagpapaganda ng tanawin sa bahay, at sa paglinang ng tirahan para sa mga ibon, bubuyog, insekto at iba pang espesye. Kabilang sa mga gawaing pamboluntaryo ang pagtatanim, pagbunot ng damo, pagputol ng sanga at pagsubaybay sa mga katutubong halaman sa iba’t ibang lokasyon sa paligid ng Sakahan. I-click dito upang magparehistro para sa isang araw ng pagboboluntaryo sa Mga Katutubong Halaman ng Alemany.

Ang Hardin ng Gamot

Ang Hardin ng Gamot sa Sakahang Alemany ay naglilinang ng mahigit 60 uri ng mga halamang panggamot, mga erbang pangluto at nakakaing bulaklak. Pinapanatili ito ng isang maliit na grupo ng mga boluntaryo na naniniwala sa pagiging abot-kamay ng erbal na gamot para sa mga taga-lunsod. Ang Hardin ng Gamot ay matatagpuan malapit sa puno ng wilow sa kanlurang bahagi ng sakahan, sa paanan ng timog na dalisdis ng burol. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Bonnie Rose Weaver sa brw.herbalist at gmail dot com para sa anumang katanungan o bisitahin ang https://www.bonnieroseweaver.com/medicinegardenalemany

Pagpapaganda ng Tanawin sa Lanaw

Ang pangkat sa pagpapaganda ng tanawin sa lanaw ang nangangalaga sa gitnang bahaging may tubig ng Sakahang Alemany sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga mapaminsalang espesyeng pantubig at pagpapalago ng mga katutubong halaman at hayop. Pakisuri ang website ng Sakahang Alemany upang makita kung kailan gaganapin ang susunod na pampublikong araw ng trabaho.

Kagawaran ng Libangan at ParkeRecreation and Park Department

Bukod sa pagsuporta sa mga patuloy na pagsisikap ng lahat ng mga kinauukulan sa lugar, nagdaraos ang Programa ng mga Hardin ng KomunidadCommunity Gardens Program ng Kagawaran ng Libangan at ParkeRecreation and Park Department ng mga field trip para sa pangunahin nang mga paaralan ng SFUSD sa pamamagitan ng Programa sa Pangangalaga ng KabataanYouth Stewardship Program (PPK). Kung ikaw ay isang guro na interesado sa isang field trip, mangyaring magpatala sa PPK o makipag-ugnayan sa communitygardens@sfgov.org para sa karagdagang impormasyon.

Ang Plano sa Pamamahala ng Sakahang AlemanyAlemany Farm Management Plan ang gumagabay sa paggamit ng lugar. Ang planong ito ay inaprubahan ng Komisyon ng Libangan at ParkeRec and Park Commission noong Agosto 2012.

Ang Samahan ng mga Katutubong Halaman ng Kalipornya – Sangay ng Yerba Buena (SKHK-SYB) at iba pang pangkat ng komunidad ay nakatuon sa pagpaparami ng Mga Katutubong Halaman para gamitin sa buong San Francisco, kabilang ang maraming lugar ng KLP. Lumapit ang mga pangkat na ito sa KLP na may interes na (1) magtayo ng punlaan ng katutubong halaman sa Sakahang Alemany na gagamitin sa pagpapalago ng mga punla na itatanim kapwa sa lugar at sa buong San Francisco, at (2) magtayo ng bagong pagpapaganda ng tanawin ng hardin ng katutubong halaman sa sakahan, sa paligid ng bagong punlaan.

Ang Samahan ng mga Katutubong Halaman ng Kalipornya/Sangay ng Yerba Buena ay nangalap ng pondo at mga donasyong hindi salapi upang tustusan ang gastos sa pagtatayo ng punlaang ito at ipinagkaloob ang pagtatayong ito sa KLP bilang isang donasyong hindi salapi. Kapag natapos na ang pagtatayo, ang KLP ang magiging responsable sa pangangasiwa ng espasyo ng punlaan.

Mag-ulat ng Isyu sa Pagpapanatili

Mag-ulat ng isyu sa pagpapanatili o bandalismo sa lugar na ito